SVT Mingyu's Birthday


Say the name, SEVENTEEN!

I'm not really a fan of seventeen. Actually, kay mingyu lang nagsimula no'ng gawin ko siyang portrayer ng character ko sa story. Then si Jun, DK, Joshua & Wonwoo naging part na rin ng portrayer world ko. Tapos last, si Vernon.


April 6, 2019 (saturday), birthday ni Kim Mingyu. At dahil napakabuti kong kaibigan, yes, sinamahan ko ang dalawang kong kaibigang adik na adik kay Mingyu. How to be me po? Lol. Anyway, so naglaan talaga sila ng oras para sa birthday event ni Mingyu kahit wala naman talaga si Mingyu! Pero nakkaatuwa rin kasi nakita ko naman silang nag-enjoy. Shout out kina Darlin and Chelsea!


Saya saya nila oh! Dreams do come true yata sa kanila as a fangirl na maka-attend for the first time in their life ng event for Mingyu. Bias kasi nila.


Chelsea Torrecampo. Mahal niya si Mingyu pero mahal ba siya? No, never, never in her dreams. HAHAHAH!


Darlin dela Cruz. Pangarap mapangasawa si Mingyu pero syempre mangyayari lang 'yon sa panaginip niya. Haha sorry na!


May mga freebies na ipinamigay noong events like photocard and such tapos eto may mga merch na pwedeng props for picture taking.


At ang main freebie, ang Mingyu's cupsleeve.


Hindi nila kinaya ang emosyon. Charot!


Magpapahuli ba ako sa picture? Hindi ko man crush si Mingyu dahil loyal ang puso ko kay Jun, natuwa pa rin ako sa feels na magpicture din. Ang saya din sa feeling suportahan 'yong ibang fangirls sa mga stan nila.


He's my baby. Naks! Syempre lahat naman tayo, may kaniya kaniya stan sa mga KPOP group and dito sa seventeen, siya ang pinaka mahal ko. Iba nag dating niya e. Ang lakas lakas ng appeal niya at super gwapo niya. Haym Jun, akin ka nalang please?


But then, as a fangirl, lahat tayo, may minamahal na KPOP group and masaya na makita mo rin ang ibang fangirl na sinusuportahan ang KPOP idols nila. Kahit magkaiba kaming fandom, I respect their fandoms. They are carats, and I'm a VIP. KPOP world is very beautiful kung walang fandoms na nag-aaway, right?

Let's continue being a fangirl kung ito ang nagpapasaya sa atin. Walang masamang magmahal ng taong alam nating imposibleng mapasa-atin but one thing for sure, npapasaya nila tayo through their music and image.

Let's spread love, fangirls!
Saranghaeyo, oppa!




Comments