When did it started..


Bakit po kayo naging writer? Paano po kayo nagsimula? Kailan pa po kayo nagsimulang magsulat? Paano po ba mapasikat ang story ko? Paano po ba pararamihin ang reads ng story ko? Paano ko po ipapa-publish ang story ko?

Madalas na tanong sa akin na nababasa ko sa inbox section ko sa wattpad. At samga tanong nila, gusto ko din silang tanungin. Bakit ka nagsusulat? Nagsusulat ka ba dahil iyon ang gusto mo o nagsusulat ka para lang sumikat at magkaroon ng published books?

Noong highschool ako,mahilig akong magsulat ng story sa notebook ko. Mahilig akong mag imbento ng mga scenes sa isip ko. Iyong halimbawa, makakita lang ako ng nag-aaway na mag-jowa, iisipin ko na agad kung ano ang lines nila, ano ang mangyayari sa kanila, magkaka ayos ba sila, or kung ano ba ang magiging ending nila. Iyong tita ko, hindi mabilang ang collections ng PHR pocketbooks. Pati nanay ko, naaalala ko pa, itinatago niya iyon sa pinakamataas na parte ng cabinet namin kasi bawal pa daw ako magbasa no'n. So one day, I tried reading it. At doon ko na-realize na, hala? Gusto ko ring magkaroon ng ganito. Gusto ko ring maisulat ang mga kwentong naglalaro sa isip ko. Gusto kong maibahagi iyong kwentong gusto kong likhain.

Isang araw, sinubukan kong magtype sa laptop ko. Ang nasa isip ko noong mga paanahong iyon, gusto kong makabuo ng isang story. So I did it. Nakatapos ako ng isang story na sinimulan ko munang isulat sa piraso ng mga papel bago ko itinype sa laptop. Tapos feeling proud na ako noon kasi kasiyahan ko na iyong, wow! Nakatapos ako. Nakabuo ako ng isang story! Hindi ko inisip na may magbabasa kaya? Basta masaya lang ako na natapos ko siya. Then after that, nakita ko iyong email ng PHR sa pocketbook mismo at sabi doon, pwede daw magpasa ng manuscript so I did.

Ito na nga mga beshiwaps. Una kong natapos na story ang WHEN TWO HEARTS FEEL THE SAME WAY. Ipinasa ko siya. After a month, naka-recieve ako ng feedback. It's under minor revision at gosh, iba iyong saya ko that time. Kasi never ko in-expect na magre-reply sila plus the fact na minor revision lang ang result ng manuscript ko, so ibig sabihin, kaunti lamang ang dapat na ayusin. Mabilis ko iyong inayos and then poop, it became coco krucnh! Charot. Pagkatapos ko siyang i-ayos, nakatanggap ulit ako ng email from them at sinabing APPROVED ang first manuscript ko. Hindi ko makakalimutan ang date na iyon. March 28, 2012 at ang editor ko noon is Miss Agnes Serafin---isa sa mga editors na nakilala ko na sobrang bait. Heaven ang feeling. Iyon iyong feeling na nakamit mo iyong bagay na gusto mo talaga. Hanggang sa nakapagsulat pa ako ng dalawa pang story under PHR. At yes, may isa pa akong approved sa kanila na hindi pa nare-release.

Noong mga panahong iyon, kapag kasi published writer ka ng PHR, hindi naman iyan katulad ng wattpad na magkakaroon ka ng followers and all sa social media. Kaya dati, ang iniisip ko lang, sana sa mga bumili ng book ko, sana nagustuhan nila. Hanggang doon lang.






Until I started writing at wattpad way back 2013. Nagsimula sa katuwaan dahil that time, sawi ako. Oo, sawi ako dahil dalawang manuscript ko noon ang na-reject kaya sabi ko, pahinga muna ako. Then someone introduced me to wattpad world. So ayun, doon ko sinimulan namang isulat ang Mr. Popular meets Miss Nobody na yes, jeje days pa 'yon that time kasi uso pa iyong may mga emoticons. Haha! Pero in-edit ko na siya sa wattpad so hindi na siya masakit sa mata. Noong simulan ko siyang isulat, never ko din namang inisip na may followers chuchu siya. As in nagsusulat lang ako noon kasi gusto kong magsulat. Hanggang sa natutuwa ako kasi may mga nababasa akong comments. Ignorante pa ako noong time na iyon kasi hindi ko alam na may followers pala iyon. Haha! HIndi ko rin alam na makikita iyong number of reads kasi nga ang nasa isip ko lang noon, gusto kong magsulat. Hanggang sa nagulat ako kasi may mga nagme-message na sa akin and all, at doon ko nakita iyong number of followers hanggang nagsimula sa isang million na reads. Kaloka iyon at naging thankful talaga ako sa mga readers ko since MPMMN days hanggang ngayon. Hanggang sa dumami ang stories ko sa wattpad, nagkaroon ng opportunities na ma-publish ang stories ko at umabot pa sa wattpad presents ng TV 5. Ang dami kong bagay na nakamit nang hindi inaasahan, hindi in-expect at hindi hinangad, kaya mas masarap sa feeling e. Kasi ang gusto ko lang naman, makapagsulat. Freebies ko nalang iyong mga achievements at opportunities na nakuha ko.

Syempre, maraming salamat din sa mga readers ko at pinksters na sinamahan ako mula simula hanggang ngayon at sumusuporta sa mga sinusulat ko.

Sa haba haba ng post ko, ang point ko lang naman. Magsulat tayo kasi iyon ang gusto natin. Hindi dapat tayo magsusulat para lang makakuha ng fame at magkaroon ng published books. Magsulat tayo dahil gusto nating magsulat.

I am a published writer pero nagsimula ako sa 0 follower, nagsimula ako sa walang bumabasa ng stories ko at nagsimula ako sa baba. Hindi ako nagsulat tapos kinabukasan, sikat agad ako. HIndi ko sinasabing sikat ako ngayon, it's just that, oo may thousands of followers na, million reads ang stories pero never kong kinalimutan kung saan ako nagsimula at kung gaano ang iniyak ko noong mga panahong may nare-reject ang manuscripts.

Sa lahat ng aspiring writers, sulat lang kayo. Huwag mong i-depende sa kung may nagbabasa ba ng story mo o wala. Magsulat ka habang iniisip iyong mga gusto mong mangyari sa story mo, hindi kung paano ka sisikat at kung paano dadami ang reads ng story mo. Magsulat ka lang dahil iyon ang kasiyahan mo.

Write and write and write and write...

Comments

  1. And that's the reason why I idolize you! Keep on writing Unnie, we pinksters are always here to support you!!!! We love you so much 😘

    ReplyDelete

Post a Comment