The History


Kung nasubaybayan mo ang pagsusulat ko sa wattpad mula noong 2013, alam mong ang pinaka-unang story na isinulat ko ay ang Mr. Popular meets Miss Nobody. Naroon lahat ng characters, ang Tigers na minahal ng lahat, as in lahat.

Sa dinami dami ng story na naisulat ko na hanggang ngayon, 2018. Hindi ko na mabilang kung ilang characters ang binuhay ko.

Pero matanong ko lang, hindi ka ba curious sa kung paano nangyari ang past? I mean, the history. Iyong story ng super first generation---which is parents nila. Pwes, masaya akong ibabahagi sa inyo na ang manager ko slash kaibigan slash kaaway, charot! Si Darlin, siya ang magsusulat ng history with my conscent of course. Ini-review ko rin iyong plot niya at ipinapa-check niya sa akin. Pinag-usapan namin ang magiging flow ng story at aprubado naman sa akin. Masaya ako na siya na ang magsusulat dahil gustuhin ko man, hindi ko yata siya maisusulat sa dami ng ongoing at upcoming stories ko.

P.S. Sa mga hindi nakakakilala kay darlin, here's her profile.

Darlin Reld
Click the following to be directed to her accounts:

So, hindi ko na patatagalin. Malamang, may spoiler dito pero bahala na si Darlin. Hahaha! Sorry na agad! Peace!

Apat na stories ang isusulat niya. Ang dalawa rito ay nag-umpisa na, at ang dalawa ay magsisimula na rin ngayong October 2018. Ang isa naman ay pang-goodvibes na story.

Fight for Love


"Wala na akong gustong gawin pa kundi ang mahalin ka. Pero kakayanin ko bang mahalin ka kahit madaming hadlang sa atin?"

Posible bang magmahal ng walang ansasaktan?
Paano kung mahal na mahal niyo ang isa't isa pero ang daming hadlang?
Lalaban ka ba para sa inyong dalawa?
O susuko nalang para sa ikabubuti ng lahat?

SPOILER:
Story ng magulang ni Chelsea Torres-Shinwoo. Sina Helena at ang tunay niyang tatay, na tatay rin ni Mandy. Dito niyo makikita kung paano ba nangyari kung bakit sila naging half sister chuchu.


To Love You


Love can be your happiness but it can be your worst nightmare.

Sa mundong ito, ilang beses ba pwedeng magmahal? Isa, dalawa, tatlo?
Ilang beses din ba tayong dapat masaktan?
Lahat ba ng nagmamahalan, nauuwi sa kasiyahan?
O ipaparanas lang sa atin ang magmahal tapos bigo rin tayo sa kahuli hulihan?

Margaret Lim, isang Filipino-Chinese na nangangarap na matagpuan ang lalaking ka happy ending niya. Pero ang tanong, happy ending nga ba ang kwento ng buhay pag-ibig niya?

SPOILER:
Story ni Pastor Mike at ng kaniyang love of his life. Sa mga hindi nakakakilala kay Pastor. Siya ang pastor nina Kenshin, JAxson and Chirae. Uunahan ko na kayo, isa rin siyang mapagpanggap! Haha!

The Innocent Man

"Sabi nila matalino ako. Naniniwala naman ako doon. Naniniwala din ako na ako ang pinaka bukod tanging pinagpala sa balat ng lupa.  Pero hindi ako sigurado kung may balat nga ba ang lupa. Kasi hindi naman siya patatas diba? Basta ang mahalaga, ako'y pinagpala. Naniniwala din ako na ang isang mabuting tao ay Maka-Diyos, Maka-tao, Maka-bayan at Maka-bansa. At higit sa lahat may 100 na grade sa GMRC at Values.  At kailangan ko pa bang sabihin na ang nag ngangalan na Kennedy ang taong iyon. Ang henyo ko diba? Bukod sa henyo likas na mabuting tao pa. Kaya saan kapa? Kay Kennedy Sarmiento na! Mabuhay Pilipinas! Laban!"

Anong gagawin mo kung may isang lalaki'ng tulad niyan ang magkagusto sa iyo? 

Iyong tipo ng lalaki na iba kung mag isip.
Iba kung umasta.
Malayo sa normal.
Kakaiba. 
Yung feeling mo may sayad siya. 
At higit sa lahat, INOSENTE. 

May pag asa bang mahalin mo din siya? O itatakwil mo kasi nga iba siya at ayaw mong mapahiya dahil sa kaniya?

SPOILER:
Story ng tatay ni Ken Sarmiento. Dito niyo na yata malalaman kung sino talaga ang tunay na inosente. Paalala, baka dito na rin masasagot ang tanong niyo kung bakit napakalalim magtagalog ni Ken. Lol!

The Casanova's Queen

"Miss, can I take you to my bed?" 
"Mister, can I kill you?" 
"I think you look more good if you're not wearing anything." 
"But I think you look more good too if you're wearing a hospital gown." 

He is a Casanova. So she is. 
He can break someone's heart easily. And she can break someone's bones without even a blink of an eye. 
He likes to play game, but she can be a player to play that game.
In short, SHE CAN do, what HE CAN. 
He's the Casanova's in town and She's the leader of the gang.

What will happen if these two person collide? Will they find their happy ending with each other or will just end up with breaking each other’s heart?

SPOILER:
Story ng magulang ni Luke Palermo na sina Evangelito & Lucia Palermo. LAughtrip 'to. KAya sana abangan niyo. Ang CAsanova King at ang isang gangster na babae. Sabi nga ni Lucia, YMRI! (You must read it)

Moments


This "moments" is parang hotseat.Every chapter ay may mga scnenes na never have read from my stories na mga nakakatawa and all. Narito lahat ang characters ko. Comment lang kayo sa bawat update ng mga scenes na gusto niyong mabasa. (Halimbawa; Gusto ko po iyong scene na nagpapaturo si Ken sa pag-aalaga kay Kenshin sa Tigers) Something like that.



So ayan na nga guys. Sana ay suportahan niyo ang stories na sinusulat ni darlin. Vote and comments will be much appreciated.

Cheers and enjoy reading!

Follow me here in my blog and comment down! Much love!




Comments